02635nam a22001577a 4500003000400000005001700004008004100021040000900062100002000071245011900091260005400210300004800264500201800312500009002330504005702420OSt20250331101156.0250331b |||||||| |||| 00| 0 eng d cNVSU aAgudo, Myrna H. aAng talabalitaang watan - pilipino batay sa vocubolario ibatan - espanol (1933) mula sa letra g-r/cMyrna H. Agudo aBayombong:bNueva Vizcaya State University,c1997 axvii, 226 leaves :billustrations ;c28 cm. aSa mga probinsyang di katutubong Tagalog, ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga asignatura sa kultura at sibika, sa mga agham panlipunan, at mga araling pangkabuhayan ay kinakailangan ang isang kasangkapang panpagtuturo, lalong-lalo na para sa mga mag-aaral, tulad ng diksyunaryo o talasalitaan ng katutubong wika at ng Filipino. Ang proyektong ito na panghalip sa tesis, na bahagi ng higit na malaking proyekto ng ilang mga guro sa Batanes, ay sinisikap tugonan ang pangangailangang ito. Ito na rin ang naging layunin at halaga ng proyektong ito. At dahil na rin sa kalakihan ng gawain para sa buong proyekto, at limitasyon ng panahon upang tugonan agad ng pangangailangan sa talasalitaang ito, hinati ang proyekto sa tatlong bahagi. Ang akdang ito ay ang ikalawang bahagi na sumasaklaw sa mga letra G hanggang sa R. Bilang gabay at batayan ng proyekto, ginamit ang kauna-unahang talasalitaan ng wikang Ivatan na binuo sa mahabang panahon ng mga iba-ibang misyonaryong Kastilang Dominiko na nagtrabaho sa Batanes sa loob ng halos 200 taon. Ito ay inilathala sa unang pagkakataon sa imprenta ngAng pamamaraan ng paggamit ng talasalitaang nabanggit ay hindi tahasang pagsasalin dahil, unang-una, hindi dalubhasa ang tagapagsaliksik na ito sa wikang Kastila, bagaman sinikap din ang pagsasalin sa mga pagkakataong kinakailangan sa tulong ng mga dalubhasa. Ngunit dahil ang tagapagsaliksik ay katutubong taga-Batanes na may kasanayan sa Filipino, siya ang naglagay ng mga katapat na salitang Filipino sa bawat salitang Ivatan, at ang nasabing Vocabulario ang siyang naging panuntunan na lamang sa pagpasok ng mga entri sa kaayusang alpabetiko. At sa abut-kaya ng tagapagsaliksik, at sa tulong ng maraming katutubong Ivatan na may kabihasnan sa wikang Filipino, nabuo ang proyektong ito. At bilang tagapagbigay ng bahagyang kasaysayan at kuwadro ng akdang ito, isinama rin dito ang salin ng paunang-salita ni Propesor Otto Scheerer, at ilang bahagi ng introduksiyon ng Vocabulario sa edisyong 1933. aThesis (Titulong Dalubhasaan sa mga Sining ng Edukasyon - Pamahalaang Pang Edukasyon) aIncludes appendices and bibliographical references.