TY - BOOK AU - Garcia, Mylanie T. TI - Kakayahan sa pagpapayo sa pagsulit ng pamahayagang pangkampus: batayan sa pagbuo ng leaning and development program PY - 2023/// CY - Bayombong PB - Nueva Vizcaya State University N1 - Ang pananaliksik na ito ay ukol sa pagtataya sa kakayahan ng mga guro sa pagpapayo sa pagsulat ng pamahayagang pangkampus na isinagawa sa mga pampublikong paaralan ng sekondarya ng hilagang distrito ng Nueva Vizcaya ng taong aralan 2021-2022. Nilayon ng pananaliksik na alamin ang propayl ng mga guro, sukatin ang antas ng kanilang kakayahan sa pagpapayo sa pagsulat ng pamahayagang pangkampus na may kaugnayan sa kaalaman sa wika, kakayahan sa pagpapayo, tungkulin bilang tagapayo, istilo sa paghahanda at kaalaman sa layunin ng pamahayagang pangkampus. Inalam din sa pag-aaral na ito kung may makabuluhang pagkakaiba-iba ang propayl ng mga tagatugon at ang kakayahan sa pagpapayo sa pagsulat ng pamahayagang pangkampus pagdating sa limang kategoryang nabanggit. Ang nabalidong talatanungan ay ipinasagot sa animnapo't pitong (67) guro. Nilikom ang mga datos na kinailangan at sinuri sa pamamagitan ng descriptive inferential na istatisdika. Naglalaman ang talatanungan ng 6 na mga katanungan na kinapalolooban ng mga karanasan ng mga guro sa larangan ng pamahayagang pangkampus na siyang nagpatibay sa kwalitatibong bahagi ng pananaliksik at iskaning ng mga dokumento upang matiyak ang katumpakan ng mga impormasyong nakalap. Ang mga datos ay nilikom mula Hunyo-Hulyo 2022. Natuklasan sa isinagswang pananaliksik ang mga sumusunod 1) Ang mga gurong nagsisilbing tagapagsanay/tagapayo ng pamahayagang pangkampus sa hilagang distrito ng Nueva Vizcaya ay nasa 23-27 taong gulang, karamihan ay mga babae, Titserl, nasa 1-10 taon na naninilbihan bilang guro sa Junior High School, tersaryo ang pinakamataas na natamong edukasyon, may yunit sa masteradong pag-aaral at may ilang nakatapos sa masterado. Karamihan sa kanila ay nagsisilbing mga tagapagsanay at nagsisimula pa lamang ang tungkulin sa pamahayagang pangkampus. Labing-anim (16) sa mga guro ay walang nadaluhang palihan o workshop sa pamahayagang pangkampus 2) Hindi sapat ang kaalaman ng mga guro sa larangan ng pamahayagang pangkampus kaya hindi sila nakapagbabahagi ng malawak na kaalaman at hindi nakahahasa ng kasanayan sa mga mag-aaral-manunulat na siyang makatutulong sa maayos nilang pagganap. 3) Walang makabuluhang pagkakaiba-iba ang demograpikong propayl ng mga guro na nagtuturo sa sekundarya sa kanilang kakayahan sa pagpapayo sa pagsulat ng pamahayagang pangkampus. Lumabas sa pag-aaral na na karamihan sa mga gurong nagsisilbing tagapayo/tagapagsanay ng pamahayagang pangkampus sa hilagang distrito ng Nueva Vizcaya ay mga baguhang guro na salat ang kaalaman sa larangan ng pamahayagang pangkampus. Iminumungkahi ng pananaliksik na ito na magkaroon ng taunang capacity building upang mahasa ang kasanayan at mapalawak ang kaalaman ng tagapayo ng pamahayagang pangkampus. Isinagawa ang pananaliksik na ito sa hilagang distrito ng Nueva Vizcaya, ikalawang semester, panuruang taon 2022-2023.; Thesis (Masterado sa Sining - Pagtuturo ng Filipino); Includes appendices and bibliographical references ER -