Pagtitipon ng panitikang oral ng mga katutubong kalanguya, pagsaasalin, pagdalumat at pagdisenyo ng lunsarang kagamitan sa pagtuturo/ (Record no. 257)
[ view plain ]
| 000 -LEADER | |

| fixed length control field | 03691nam a22001817a 4500 |
| 003 - CONTROL NUMBER IDENTIFIER | |
| control field | OSt |
| 005 - DATE AND TIME OF LATEST TRANSACTION | |
| control field | 20250321100545.0 |
| 008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION | |
| fixed length control field | 250321b |||||||| |||| 00| 0 eng d |
| 040 ## - CATALOGING SOURCE | |
| Transcribing agency | NVSU |
| 100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME | |
| Personal name | Adais, Adelyn D. |
| 245 ## - TITLE STATEMENT | |
| Title | Pagtitipon ng panitikang oral ng mga katutubong kalanguya, pagsaasalin, pagdalumat at pagdisenyo ng lunsarang kagamitan sa pagtuturo/ |
| Statement of responsibility, etc. | Adelyn D. Adais |
| 260 ## - PUBLICATION, DISTRIBUTION, ETC. | |
| Place of publication, distribution, etc. | Bayombong: |
| Name of publisher, distributor, etc. | Nueva Vizcaya State University, |
| Date of publication, distribution, etc. | 2020 |
| 300 ## - PHYSICAL DESCRIPTION | |
| Extent | xv, 181 leaves : |
| Other physical details | illustrations (some colored), photos ; |
| Dimensions | 28 cm. |
| 500 ## - GENERAL NOTE | |
| General note | Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglilikom ng mga panitikang oral ng mga Katutubong Kalanguya sa Lower Babalak, Upper Babalak, at Nandupit, Bashoy, Kabayan, Benguet.

Layunin ng pag-aaral na malikom, maisalin, at masuri ang mga piling panitikang oral ng mga katutubong Kalanguya at partikular ang grupong Kib-al at makabuo ng isang kagamitang pampagtuturo sa Filipino. Partikular na sasaguting ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na ispisipikong katanungan: (1) Anu-ano ang mga uri ng panitikang oral ng mga katutubong Kalanguya? (2) Anu-ano ang mga pamamaraan at teorya na magagamit sa pagsasalin at pagdalumat ng mga panitikang oral ng mga katutubong Kalanguya? (3) Anong kagamitan sa pagtuturo ang nabuo mula sa naisalin at nadalumat na panitikang oral ng katutubong Kalanguya?

Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibo at may etnograpiyang disenyo. Sa paglilikom ng mga panitikang oral ng mga Katutubong Kalanguya, kinilala ng mananaliksik ang mga impormante na siyang nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon. Ang pinakamatandang impormante ay may edad 85 samantalang ang pinakabata ay may edad 55. Karamihan sa mga impormante ay hindi nakatapos ng elementarya at sekondarya subalit hindi ito nakaapekto sa mga impormasyong nailahad nila Nagkaroon ng harapang pakikipanayam (face-to-face interview) ang mananaliksik sa mga impormante upang maidokumento ang mga awtentikong panitikang oral ng mga Kalanguya gaya ng piling bunbuntiya (bugtong), diba (pamahiin), litlittaw (palaisipan). ba-liw (chants), dayumti (awiting bayan), pangngadig, ihtolya (maikling kwento), ihtolyan maipanggap ni animmal (pabula) at ihtolyan nalapwan ni lugad (alamat). Ang mga nakalap na panitikan ay sumasalamin sa mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, pananaw sa buhay. kulturang Kalanguya at mga saloobin ng mga tao.

Ang mga nalikom na panitikang oral ay isinalin sa wikang Filipino gamit ang mga pamaraang iminungkahi nina Newmark at Santiago gaya ng pagiging natural ng dating ng salin, pagpapalawak ng paksa sa iba't ibang aspeto, istandardisasyon ng mga salita at iba pa. Ang mga naisaling panitikang oral ay sinuri gamit ang mga teoryang naangkop sa bawat panitikang oral na kinaabibilangan ng moralistiko, sosyokultural, at pormalistiko.

Ang mga naisalin at nasuring panitikang oral ay dadaan sa pagbalido ng mga iba't ibang grupong kabilang sa iba't ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng community validation. Isasagawa ito upang mabalido ang kabisaan at kahusayan ng pagsasalin at pagsusuri.

Bunga nito, ang pananaliksik ay nakatugon sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo na maaaring gamitin ng mga nagtuturo ng Filipino.

Kaugnay nito, malugod na iminumungkahi na lalong pahalagahan ang mga panitikang Kalanguya sa pamamagitan ng pagkaroon ng mga programa at gamitin ang nabuong Kagamitang Pampagtuturo sa pagtuturo, pagtuturo at pagpapayaman ng panitikang Kalanguya.

Susing salita: Panitikang oral, Pagsasalin, Pagdalumat, Pagdisenyo, Kagamitang Pampagtuturo |
| 500 ## - GENERAL NOTE | |
| General note | Thesis (Master of Arts in Teaching - Dalubhasa sa Filipino) |
| 504 ## - BIBLIOGRAPHY, ETC. NOTE | |
| Bibliography, etc. note | Includes appendices and bibliographical references |
| 942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA) | |
| Source of classification or shelving scheme | Dewey Decimal Classification |
| Koha item type | Thesis |
| Suppress in OPAC | No |
| Withdrawn status | Lost status | Source of classification or shelving scheme | Damaged status | Not for loan | Home library | Current library | Shelving location | Date acquired | Source of acquisition | Total checkouts | Full call number | Barcode | Date last seen | Price effective from | Koha item type |

| Dewey Decimal Classification | Nueva Vizcaya State University - Bayombong Campus | Nueva Vizcaya State University - Bayombong Campus | Graduate School Section | 03/21/2025 | Donation | T Ad191p 2020 | T891 | 03/21/2025 | 03/21/2025 | Thesis |